4 Chinese sinampahan ng illegal quarrying

APAT na Chinese national ang sinampahan ng kasong illegal quarrying dahil na rin sa kanilang paghuhukay na walang kaukulang permit.

Ang pagsasampa ng kaso laban kina  Ding Cue, Wu Hiu, Zeng Guang Wa at Liung Chang Dee na nagpakillalang taga-Block 31, Lot 71, Lapu-Lapu Avenue, Navotas City bunsod na rin sa mga reklamong natanggap ng Provincial Environment and Natural Resources Office  na wala silang permit paras sa quarrying sa may Diadi River sa Anonang, Cordon, Isabela.

Dito nadiskubre ng PENRO na walang permit mga dayuhang intsik upang mag-operate at malayang makapaghukay ng ginto sa lugar.

Nakumpiska naman mula sa mga dayuhan ang isang dredging machine na ginagamit ng mga ito sa kanilang paghuhukay.

Ang mga ito ay isinailalim na sa Inquest Proceedings sa Prosecutors Office sa Ilagan, Isabela. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply