4 kaanak ng OFW na binitay sa China naunang umuwi

NAUNANG umuwi ang apat na kamag-anak ng Pinoy na binitay sa China makaraang unang inayos ng Philippine Embassy sa Beijing ang mga dokumento nila.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, naunang umuwi ng Pilipinas ang mga kaanak habang may punerarya na rin umanong magsasaayos ng labi ng binitay na Pinoy.

Sinabi pa ni Binay mula Bali, Indonesia na mahuhuling darating ng Pilipinas ang binitay na Pinoy dahil sa mga inaayos na dokumento at posible na aniyang sa Martes o Miyerkules pa maiuuwi ang labi nito.

Dahil sa pangyayari, hindi naman pinabayaan ng konsulada sa Beijing ang kaanak ng hindi pinangalanang Pinoy sa tulong na rin ng pari na umalalay sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply