4 magkakasunod na pinatay sa GenSan

APAT katao ang magkakasunod na pinatay sa pamamagitan ng baril sa loob ng ilang araw sa GenSan.

Unang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek ang dalawang biktima na sina Gregorio Padilla at Jose Delos Reyes sa Silway Fatima nitong nakaraang Miyerkules (Disyembre 7).

Kinabukasan (Disyembre 8) ay nasundan naman ito ng ibang kaso ng pamamaril kung saan isang traffic law enforcer ang napatay sa Bulaong Avenue Barangay North.

Kinilala ang biktima na si Alberto Pacunda, 44, traffic enforcer sa Polomolok South Cotabato pero binaril at napatay sa labas ng kanyang tindahan sa Bulaong GenSan.

Wala pang 24 oras ang nakakalipas, nadagdagan naman ang kaso ng pamamaril at ang biktima ay kinilalang si Mike Pikiro, 45, at residente ng Silway San Juan Barangay West.

Binaril si Pikiro habang nakasakay ng kanyang motorsiklo sa P. Acharon Boulevard.

Agad naman na nagsasagawa ng manhunt ang Joint Task Force Gensan at dito nabaril ang isang suspek na pinaghihinalaang siyang pumatay kay Pikiro.

Kilala ang suspek na si Rey Damilis, habang nakatakas naman ang driver na kasamahan nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply