4 miyembro ng pamilya, nalason sa burger

NANGHIHINA pa nang dumulog sa awtoridad ang apat miyembro ng isang pamilya na nalason sa kanilang kinaing burger sa General Santos City.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeinley at misis nito na si Cheryl Esclamador, dalawang anak na sina Jade Michael, 11; at Julius Chris, 10; pawang ng Doña Soledad, Brgy. Apopong, nasabing lungsod.

Ayon sa mga biktima, namasyal sila sa isang mall sa J. Cathoilico at kumain ng burger sa isang food chain nang magsisakitan ang kanilang mga tiyan at magsisuka.

Sa ngayon ay ligtas na sa panganib ang mga biktima at ipina-blotter na lamang ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply