4 na ahensya magsasanib vs kalamidad

MAGSASANIB-PUWERSA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of National Defense (DND) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa muling pag-aaral ng umiiral na crisis management manual.

Ang hakbang na ito ay bunsod ng nangyaring pagbaha sa Cagayan de Oro City at Iligan City kung saan halos 100 ang namatay habang marami pa ang nawawala.

Pinangunahan kanina ni Pangulong Benigno Aquino III ang command conference sa Camp Aguinaldo sa tanggapan ng NDRRMC kung saan pinakinggan ang report ng mga kinauukulang ahensya.

Inamin ng Punong Ehekutibo na nakababahala ang dami ng casualties kaya nais nitong marebisa ang sinusunod na patakaran ng mga disaster and crisis management councils.

Inalam ng Pangulo kung paano isinagawa ang pagbibigay ng babala sa mga apektadong residente sa bahang dala ng bagyong Sendong.

Gusto rin ni Pangulong Aquino na maging mas maaga ang pag-aabiso at pagpapalikas sa mga taong nakatira sa tinutumbok ng bagyo at mga posibleng tatamaan ng flashfloods.

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na may sapat silang pondo para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng kalamidad.

Tinatayang P300 milyon ang standby fund na gagamitin sakaling kulangin ang unang nailabas para sa relief goods na kinabibilangan ng mga food items.

Makaraan ang insidente sa Cagayan de Oro at Iligan City ay nais ng Punong Ehekutibo na maging handa rin ang mga nasabing departamento sa Palawan na ayon sa report ay susunod na dadaanan ni ‘Sendong.’

Samantala, sinabi ni NDRRMC executive director Benito Ramos na handang-handa na ang Palawan sa bagyo katuwang ang Western Mindanao Command (Westmincom) para sa kinakailangang rescue and relief operations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply