4 na bagets na killer ng 16-anyos dinampot

BINITBIT ng awtoridad ang apat na bagets na itinuturong kasama sa may 20 kabataan na nagtulong-tulong para mapatay ang isang 16-anyos na estudyante kahapon sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyan nang nasa kostudiya ng Manila Police District-Homicide Section ang mga

suspek na sina Adrian, 15; John, 15; Jonathan, 14; at Willie Boy Cortez, 19, pawang ng Blk. 4, Lallana St. Tondo, Maynila.

Nabatid na si Adrian ay kinuyog ng taumbayan bago tuluyang nasukol kaya naman nagtamo ito ng mga pasa sa katawan at black eye sa kanang mata nang dumaan sa burol ng biktimang si Nicole Kith Franco sa may Pacheco St., at narinig itong nagsalita ng “ayan nakaburol na yong napatay namin.”

Sanhi nito, hinabol at nang maabutan ay kinuyog ng taumbayan si Adrian.

Kahapon ng umaga, dakong 5:00 nang maganap ang pagsaksak sa likod ni Franco, matapos rumesbak sa grupo ng mga kabataan na inginusong bumugbog sa isa nitong kaibigan noong nakalipas na linggo.

Sinugod ng grupo ng biktima ang grupo ng suspek pero dahil outnumbered ang grupo ng huli ay nagkanya-kanya silang pulasan.

Tumakbo naman ang biktima kasama ang kaibigan na nakilala sa alyas Geovanni sa direksyon ng Alarmanhagui St.,  nang bigla na lamang may sumaksak sa kanyang likuran, kanyang ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply