4 na flights kinansela dahil sa masamang panahon

KINANSELA ang apat na flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng masamang panahon kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Sendong.

Batay sa ulat ng NAIA Media Affairs Office, kinansela ng Air Philippines ang kanilang flight 2P-014 na biyaheng Manila-Tuguegarao at ang return flight nito na 2P-015 na biyaheng Tuguegarao-Manila.

Kanselado rin ang flight ng Cebu Pacific na 5J-196 na biyaheng Manila-Cauayan, Isabela at return flight na 5J-197 na biyaheng Cauayan-Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply