4 Pinoy boxers pinagdudurog ng foreign foes

APAT na Pinoy boxers ang kapwa natalo sa kani-kanilang hiwalay na laban sa ibayong dagat.

Si dating Philippine featherweight champion Vinvin Rufino ay na-knockout sa 5th round ni Mexican WBC Continental Americas super featherweight champion Alejandro Sanabria sa isang WBC Silver lightweight title fight sa Mexico City.

Dulot ng panalo ay umakyat ang kartada ni Sanabria sa 30-1-1 with 23 knockouts habang si Rufino ay nalugmok sa 30-15-3 with 14 knockouts.

Sa Sukhothai, Thailand naman, si Pinoy pug Danilo Pena ay natalo via 7th round technical decision at naagawan PA ng WBO Interim bantamweight title ni world No. 1 Phuengluang Sor Singyu.

Samantala, si dating Oriental and Pacific Boxing Federation featherweight champion Jonel Alivio (16-13-1, 7 KOs) ay nadurog din sa pamamagitan ng lopsided ten round decision kay dating WBA super bantamweight champion Akifumi Shimoda (24-3-1, 10 KOs).

Ang isa pang Pinoy na si hard-punching former Philippine champion Eusebio “Raging Bull” Baluarte (19-5, 12 KOs) ay hindi nakaporma at nabigo sa eight round bout sa kamay ni unbeaten superlightweight Yoshihiro Kamegai (20-0, 17 KOs).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply