4 pulis inireklamo ng Aussie sa pangingikil

DUMULOG ngayon sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang Australian national matapos itong huthutan ng pera ng apat na umanoy miyembro ng PNP na nakatalaga sa MPD-Station 9.

Sa reklamo ni Noel Ross Weffer, 72, na pansamantalang nanunuluyan sa Crosswinds Ocean Hotel na matatagpuan sa Airport  Road, Baclaran, Paranaque City, apat na pulis umano ang nangotong sa kanya ng halagang 50 Australian dollar o katumbas ng P2,200.

Isa lamang sa mga pulis ang nakilala na si SPO1 Francisco Prado na umanoy nakatalaga sa MPD-Station 9 habang ang tatlo pa na nakatalaga rin umano sa nasabing istasyon ay inaalam pa ang kanilang mga pangalan.

Ayon kay Weffer, nauna na siyang nag-check in sa room 501 ng SOGO hotel sa  may Mabini sa Malate, Maynila kung saan ninakawan ito ng laptop, Panasonic Lumix camera at dalawang cellphone na umaabot sa halagang halos P1 milyon ng nagpakilalang empleyado ng hotel.

Dahil dito, nagreklamo si Weffer sa pamunuan ng hotel na siya namang tumawag ng pulis na siyang iimbestiga sa pangyayari.

Dumating umano ang apat na pulis na kinabibilangan ni Prado kung saan pilit umano nitong hiningan ang dayuhan ng halagang 50 Australian dollar para sa gagawing police report kaugnay sa mga nawalang gamit ng biktima.

Isang Filipina na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan ang nagmagandang loob sa dayuhan na samahan si Weffer sa MPD headquarters upang maghain ng reklamo laban sa naturang mga pulis.

Ibineberipika naman ng MPD-GAS ang mga pangalan ng tatlo pang pulis para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply