40 barangay sa Capiz, lubog na rin sa baha

DUMAMI pa ang mga barangay na binaha sa Capiz dahil sa patuloy na pag-iral ng low pressure area (LPA).

Sa pinakahuling damage monitoring report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umakyat na sa 40 ang mga barangay na apektado ng pagbaha mula sa limang bayan sa lalawigan.

Pinakaapektado rito ang bayan ng Sigma na may 15 barangay na lubog sa tubig-baha lalo na sa mga palayan.

Nananatili pa ring lubog sa baha ang mga pananim sa ilang mga barangay sa Dao, Panay, Pontevedra at Panit-an.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply