44 utas sa leptospirosis sa Iloilo

UMABOT na sa 44 na katao ang namatay sa kabuuang 1,046 na kaso ng leptospirosis sa buong probinsya ng Iloilo ngayong taon.

Ang datos ay nakalap ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) mula Enero 1 hanggang Disyembre 17.

Ito na ang sinasabing pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa naturang sakit sa kasaysayan ng probinsya.

Nabatid na karamihan sa mga namatay ay magsasaka na nagtatanim ng palay at tubo sa mga lugar na tinitirhan ng mga daga na pinamumulan ng sakit.

Sa 44 na namatay, ang pinakamarami ay mula sa bayan ng Dumangas na may walo, anim sa bayan ng Oton, tatlo sa bayan ng San Miguel, habang ang nalalabi ay mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Iloilo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply