440 patay, 200 nawawala sa bagyong Sendong

UMABOT na ng 440 ang nasawi samantalang 200 katao ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Sendonng ayon sa Philippine National Red Cross.

Ayon sa secretary general ng Red Cross na si Gwen Pang, sa Cagayan de Oro City ay may namatay na 215, 144 sa Iligan City, at ang iba naman ay sa mga karatig na lalawigan.

Sa isang panayam kay Iligan City Mayor Lawrence Cruz, ito na umano ang pinakamatinding baha ng tumama sa kanilang lungsod kung saan ay nalubog ang halos kalahati ng siyudad.

“It’s the worst flood in the history of our city. It happened so fast, at a time when people were fast asleep,” ayon kay Mayor Cruz.

Samantala, ipinag-utos na ni Pangulong Aquino na pag-aralan na i-relocate ang mga residenteng madaling tamaan ng flash floods para maiwasan ng magbuwis ng buhay tuwing darating ang mga malalakas na pag-uulan at bagyo.

“These areas will be at risk every year… The first step in mitigation has to be relocation from these areas,” ayon sa Pangulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply