46 pang bangkay inilibing na sa CDO

UMAABOT sa 46 pang bangkay ang sabay-sabay na inilibing kanina sa sementeryo matapos sumailalim sa pagsusuri ng mga forensic expert.

Pinangunahan ni Atty. Wilfredo Tierra, team leader ng mga forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) central office ang pagproseso at paglalagay ng markings.

Ang pinaglagakan sa mga cadavers ay nasa mass chamber o apartment type na maaaring kunin ng mga pamilya sakaling makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Umaabot pa sa 100 mga bangkay ang isusunod ding iproseso at kukunan ng mga pagkakakilanlan tulad ng DNA.

Samantala, personal namang binisita ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang labi ng dalawang pulis na namatay habang nasa kasagsagan ng pag-rescue sa ilang mga residente.

Nakiramay din si Bartolome sa iniwang pamilya ng dalawang pulis.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply