4P’S para lang sa mayayaman, mahihirap konti lang meron

SA Carigara, Leyte, na naipamahagi nitong Dec. 17, 2011 ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno sa  halos 52  mga barangay.

Hindi ito katulad sa ibang mga lugar sa ating  bansa na matagal nang naipamamahagi ng gobyerno ang nasabing ‘biyaya’ sa mga mamamayan.

Ang masakit po rito, ang sistema ng pamimigay ng biyaya (pera) sa unang bigayan ay hindi pare-pareho o hindi magkakatulad samantalang sa ibang  lugar ay pare-pareho ang bigayan.

Para sa kaalaman ng lahat ang ‘bigayan’ ng biyaya   sa Carigara, Leyte para sa pamilya ay mula sa P500 hanggang P5,000.

Bakit ganon, mukhang hindi yata ‘patas’ ang pamamahagi ng ‘biyaya’ sa Carigara?

Ang isa pang masakit nito, kung sino pa ang may mga magagandang trabaho o may sapat na pera na pamilya at hindi naghihirap ang siyang nakatatanggap ng 4Ps ng gobyerno!

Ang ibig palang sabihin ng 4Ps ng gobyerno ay hindi lang pala para sa mga mahihirap ang programa.

Dapat ay imbestigahan ng gobyerno ang nangyayaring distribusyon ng pera sa programang ito ng gobyerno!

Tila hindi yata tama ang interpretasyon sa pamamahagi ng 4Ps ng gobyerno? Dahil kung sino-sino pa ‘yung mga naghihirap o salat sa  buhay ay sila pa ‘yung mga hindi nabibigyan ng nasabing mga ‘biyaya’.

UNTOUCHABLE SA LAGUNA

Silipin natin ang hindi matibag-tibag na iligal na pasugalan nitong isang dating alkalde ng isang bayan sa Laguna na kinilala lamang sa alyas EDWIN.

Front ni alyas EDWIN ang ligal na operasyon ng STL pero ang hindi alam ng mga taga-Laguna ay hinahaluan niya ito ng bookies.

Pader sa Laguna itong  si alyas EDWIN!

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o kaya email juandesabog@ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply