5-anyos bata hinostage sa Taytay, Rizal

DALAWANG oras din bago natapos ang dalawang oras na hostage taking sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ligtas na nabawi ng pulisya ang limang taong gulang na na babae na hinostage ng lasing na susupek na kinilalang si Alfredo Plana.

Ayon kay Rizal Provincial Chief of Police Chief Superintendent Emmanuel Prieto, biglang nagwala ang lasing na suspek at nanggulo sa Christmas party ng mga bata.

Binitbit nito ang batang babae, dinala sa isang bahay sa Block 29, Purok 7, Zapanta Street sa Lupang Arenda, at saka tinutukan ng patalim sa leeg.

Sa pagresponde ng Taytay Police, inabot ng mahigit isang oras ang negosasyon bago nabawi ang batang biktima.

Hindi naman nasaktan ang bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply