5-anyos missing, lumutang ang bangkay sa dagat

INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad kung sino at bakit pinatay ang limang taong gulang na batang babae na nakitang nakasalabit sa tabing dagat ng Bacolod.

Sa police report, alas 8:00 ng umaga ay natagpuan ang bangkay ni Chaya Miranda, kindergarten pupil.

Natagpuan ang bangkay ng bata sa Purok Magsungay, Brgy. Singcang-Airport, nasabing lungsod.

Nabatid na laking gulat ng ilang residente sa naturang lugar nang tumambad sa kanila ang murang katawan ng paslit na wala nang buhay sa tabing dagat.

Napag-alaman na kahapon ay iniulat na sa Police Station 1 sa Bacolod City ang pagkawala ng biktima.

Positibong kinilala ni Sharon Miranda ng Brgy. 39, Bacolod City ang bangkay ng kanyang anak.

Inutos ng Bacolod PNP na isailalim sa medico legal ang bangkay ng bata upang alamin  ang sanhi ng kamatayan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply