5-anyos na paslit nalitson nang buhay

NALITSON nang buhay ang isang limang-taong gulang na batang lalaki nang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay kanina sa Las Piñas City.

Hindi na makilala ang natustang katawan ng biktimang si Adrian Luto nang matagpuan ng mga kagawad ng Las Piñas Fire Department sa nangyaring sunog na tumupok sa walong kabahayan sa Manggahan, BF Resort na nagsimula dakong alas-10:53 ng umaga..

Sa imbestigasyon ni SFO1 Felix Medes ng Las Piñas Fire Department, sa mismong bahay ng pamilya Luto nagsimula ang sunog sa hindi pa batid na dahilan na kumalat kaagad sa mga katabing kabahayan bago tuluyang naapula dakong alas-12:05 ng tanghali.

Hinahanap naman ng mga bumbero ang isa pang hindi nakilalang bata at inaalam pa kung na-trap sa loob na nasunog na tirahan o nakalabas kaagad bago lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Napag-alaman na nasa ikalawang palapag ng kanilang tirahan ang nasawing paslit at kasalukuyang natutulog nang mangyari ang sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply