5 araw ultimatum sa prosekusyon para sagutin si Corona

BINIGYAN ng limang araw ang House prosecution panel upang tugunan sa Senate impeachment court ang naging kasagutan ni Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Marikina City Representative Miro Quimbo, tagapagsalita ng House prosecution panel, na meron silang hanggang Lunes, Enero 2, para gawin ito.

Kinumpirma ni Quimbo na ang kahilingang pagbasura sa isinampang walong articles of impeachment ang nilalaman ng liham ni Corona sa Senate impeachment court.

Samantala, sinimulan nang ipa-photo copy ng House secretary general ang tinanggap nilang kopya ng sagot ni Corona para ipamahagi sa mga miyembro ng House prosecution panel upang mapag-aralan at mapaghandaan ang kanilang magiging kasagutan sa tugon ng punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply