5 katao tiklo sa shabu tiangge sa Bulacan

LIMANG drug den operators kabilang ang tinaguriang “shabu queen” ang hinuli ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa “shabu tiangge”  sa  Barangay Banga, Plaridel, Bulacan, kaninang madaling-araw.

Sa isinumiteng ulat kay  PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., kinilala ang mga sinasabing drug den operators na sina Rizza Jacinto, shabu queen sa lugar; Rodolfo Tinea, Rowena Jacinto, Dabio Bondoc, at Fernando Fernando.

Isinagawa ang pagsalakay kaninang alas-5:00 ng madaling-araw nang pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) at National Capital Region (PDEARO-NCR), sa tulong ng lokal na pulisya kung saan sinalakay ang apat na establisimiyento na hinihinalang drug dens sa compound ng  Barangay Banga, Plaridel, Bulacan sa bisa ng magkahiwalay na search warrants.

Nakumpiska sa pagsalakay sa mga lugar ang bulto-bulto ng sachet ng shabu at drug paraphernalias.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply