5 miyembro ng pamilya natusta sa Pasig

NASAWI ANG limang miyembro ng isang pamilya makaraang matupok ang kanilang bahay kaninang madaling araw, Disyembre 19, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Base sa pahayag ni city fire chief Roy Quinto, hindi na nakalabas sa silid ng kanilang bahay ang mag-asawang Joseph at Ana Edloy kasama ang mga anak na sina Joanna Mae, Ryan at Eloisa Mae makaraang mabagsakan ng kisame ng kanilang bahay.

Sinasabing nagsimula ang sunog na tumupok sa may 14 na barong-barong, sa bahay ng isang Jeffrey Alano.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply