5% pataas na surcharge sa credit card, iligal

BINALAAN ngayon ng Department of Trade and Industry ang mga business owners na namantala sa credit holders

Ayon sa DTI na hindi sila mag-aatubiling parushan  ang mga tiwaling business establishment na nanamantala sa mga inosentenmg credit card holders.

Ang babala ay inihayag kasunod na rin ng ulat na pagpapataw nila ng 5% hanggang 10% surcharges sa mga consumer na gumagamit ng credit card sa kanilang pamimili.

Ayon kay DTI Usec. Zenaida Maglaya, iligal ang ganitong hakbang ng mga business establishment kaya maari silang managot sa batas.

Sinumang mapapatunayan sa ganitong iregularidad ay maaring magmulta ng P300,000 depende pa sa bigat ng naging offense at maari ring makansela ang kanilang mga business permit. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply