5 patay sa sunog sa Isabela

APAT na miyembro ng pamilya ang nasawi at nadamay pa ang kanilang kasambahay makaraang masunog ang kanilang bahay sa Isabela, madaling-araw ng Disyembre 25.

Nakilala ang mga nasawi na sina Teresita Blanza, 49; Jenifer Blanza, 26; Mark Jendel Blanza, 5; Daniel Blanza, 7; at Ariel Gulan, 24.

Nabatid na tinupok ng apoy ang unang palapag ng bahay ng mga biktima sa Barangay Calaocan, Alicia bandang 2 a.m. ng Linggo makaraan ang pagseselebra ng mga ito ng kanilang Pasko.

Nabatid pa na nasugatan din ang lima pa na sina Salvador Blanza, Sr., Renato Palo, Jengie Palo, Regilyn Palo at Demie Blanza na kasalukuyang nagpapagaling sa Paguilas Hospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, electrical short circuit ang sanhi ng sunog.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply