5 Pinay na biktima ng human trafficking nasagip

SINAGIP ng mga awtoridad ng Philippine Embassy at Chinese officials ang limang Pilipina mula sa isang human trafficking syndicate sa siyudad ng Xiamen sa bansang China matapos makatanggap ng impormasyon ang mga diplomat ng Pilipinas na may limang Pinay na ikinukulong sa isang apartment doon.

Sa isinagawang pagsalakay noong Nobyembre 25, nakumpirma nga na may itinatagong mga babae sa nasabing apartment subalit hindi pa malinaw kung ginagamit na parausan ang mga ito ng mga kostumer o ibinebenta para maging katulong sa mga Intsik.

Dalawang Chinese national at isang Pilipina na asawa ng isa sa mga ito ang inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng kasong  human trafficking kung saan kinasuhan ang dalawang Tsino samantalang ang Pinay ay hindi isinama sa kaso sa kakulangan ng matibay na ebidensya laban dito.

Pina-empake naman sa limang babaeng nasagip ang kanilang mga gamit at dinala sa isang shelter at inaasahang maiuuwi na ang mga ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, ayon pa sa mga opisyal ng Phil. Embassy. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply