5 taon kulong sa manyakis na Swedish

LIMANG taon na pagkakabilanggo ang ipinataw na parusa ng Swedish court laban sa isang 45-anyos na lalaki makaraang mapatunayang nanghalay ng limang taong gulang na Pinay at nag-iingat ng mahigit kalahating milyong mahahalay na larawan ng mga paslit sa Sweden.

Walong taon sana ang ihahatol ng Kristianstad District Court na nasa katimugang bahagi ng Sweden kay Patrick Johnsson, makaraang mapatunayan sa pamamagitan ng mga nakumpiska sa kanyang video ang panghahalay sa batang Pinay na naganap sa Pilipinas at tangkang panggagahasa sa iba pang bata subalit ikinonsidera ng hukuman ang kanyang apela kaya bumaba ang hatol sa limang taon.

Batay sa rekord ng korte, dinakip si Johnsson noong Pebrero matapos makumpiska sa kanya ang 514,216 malalaswang larawan ng mga paslit, 10,230 video films kabilang ang pagtatalik at panggagahasa sa mga bata, kabilang na ang isang sanggol at pisikal na pananakit sa mga bata.

Bukod dito, nagawa ring ipakalat ni Johnsson ang malalaswang larawan at video films ng mga batang biktima pati na ang pakikipagtalik sa mga ito.

Napag-alaman na bago ginawa ang pag-aresto, naghahanda na sanang tumakas patungo sa Pilipinas si Johnsson matapos makakuha ng tiket sa eroplano.

Ipinaliwanag naman ng lider ng global anti-child prostitution network sa Ecpat na si Helena Karlen na hahatulan ng Swedish court ang sinumang may pagkakasala kahit sa ibang bansa pa, tulad ng Pilipinas nangyari ang krimen.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Filipino community sa bansang Sweden sa pagkakaroon ng mababang hatol ng hukuman kay Johnsson lalo na’t pawang mga paslit at wala pang kamalayan ang kanyang inabuso at sinaktan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply