5 todas, 8 nawawala sa pagbaha sa Leyte

LIMA na ang naiulat na namamatay habang walo ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha na bunsod ng low pressure area (LPA) sa ilang lugar sa Mindanao at Viasayas.

Sa Tanuan, Leyte, natodas ang isang anim-na-taong gulang na bata nang malunod sa tubig-baha.

Bukod dito, pinaghahanap ang walong naitalang nawawala.

Mayroon ring 16 na pamilya ang naapektuhan sa pagbaha sa naturang lugar.

Sa Abuyog, Leyte, 697 pamilya ang apektado, 76 sa Dagami, 58 sa Julita at 28 sa Palo.

Nauna nang napa-ulat ang pagkamatay ng isa pang bata sa Dagami habang dalawa ang nasugatan.

Sa kabuuan, umabot sa 933 na pamilya ang apektado sa pagbaha sa Leyte.

Samantala, sa lalawigan ng Tabogon, Cebu, dalawa na naiulat na namatay matapos anurin ng tubig-baha na naganap sa kasagsagan ng matinding ulan na sanhi rin ng LPA.

Ang mga biktima ay kinilala na si Consina Espinosa, 78, at anak nitong si Norma Frias, 53, na kapwa taga sitio Lib-og, Brgy. Falag sa naturang bayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply