50-anyos na lalaki patay sa kariton

PATAY na nang abutan ng ina ang kanyang 5-anyos na anak sa ibabaw ng kariton na nagsilbi nilang tirahan  kaninang umaga sa bangketa sa Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, wala nang buhay nang makita ni Marivic Legaspi, 38, ang kanyang anak na si Carlito.

Ayon kay Marivic, ilang buwan na aniyang iniinda ng kanyang anak ang nakabukang sugat sa hita kung saan dinala niya sa Justice Jose Abad Santos Medical Center may ilang buwan na ang nakalilipas.

Ngunit sa kawalan ng panustos sa pagpapagamot ay inilabas niya rin ang anak sa nasabing pagamutan dahilan naman para maimpeksyon ang sugat nito, dahilan ng kanyang kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply