50 bahay nasunog sa Pasay

NASUNOG ang may 50 kabahayan sa Maginhawa St. at Estrella St., Barangay 14, Pasay City kagabi, Nobyembre 30.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng paupahang bahay ni Valero Gonzales na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Base sa pahayag ni Pasay City Fire Marshall Douglas Guiab, mabilis ang pagkalat ng apoy dahil habang nasusunog ang isang bahay sa Maginhawa St., hindi napatay ang linya ng kuryente sa kahabaan ng ng naturang kalye kaya mabilis na nakatawid ang apoy.

Nagtamo naman ng second degree burn sa likod ang 47-anyos na si Cesar Ramirez na tumulong sa kanyang mga kapitbahay habang bahagyang nasugatan ang isang fire volunteer na si Vic Uy at residenteng si Romulo Toquero .

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply