$500-M pautang ng WB tinanggap na ng Pinas

TINANGGAP na ng pamahalaan ngayon lamang ang $500 million na ‘grant’ mula sa World Bank (WB) na gagamitin sa pagbangon ng mga biktima mula sa pinsalang iniwan ng bagyong Sendong.

Ani Budget Sec. Butch Abad, tinaguriang ‘Catastrophe Drawdown Option’ ang nasabing pautang para mapabilis pa ang recovery activities sa Hilagang Mindanao.

Halos hindi rin aniya mararamdaman ang obligasyon sa nasabing pera na katumbas ng mahigit P20 billion dahil babayaran ito sa loob ng 25 taon.

Imbes na 6-8 percent, 1 percent lamang ang interest rate na babayaran dito ng Pilipinas.

Samantala, nilinaw naman ni Abad na hindi pa nagagalaw ang 2012 national budget sa pagresponde sa kalamidad.

Ang mahigit P1 billion nailabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay galing pa sa 2011 calamity fund at savings sa national budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply