500,000 tonelada ng bigas aangkatin sa 2012

TINATAYANG aabutin ng may 500,000 metriko toneladang bigas ang nakatakdang angkatin ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pakikipagpulong ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa mga opisyal ng National Food Authority (NFA) Council, kung saan siya rin ang chairman.

Sa kabuuang volume, papayagan ng gobyerno ang mga pribadong sektor at mga magsasaka na makapag-angkat ng tig-250,000 MT.

Aniya, sa ngayon ay mas tututukan ng NFA ang pagbili ng lokal na palay, bagamat may sapat pa naman aniyang supply na nakaimbak sa kanilang mga bodega.

Mayroon aniyang sapat na pondo ang gobyerno para ipambili ng mas marami pang palay ngayong tagtuyot at sa susunod na panahon ng anihan sa susunod na taon.

Ayon sa DA maganda ang anihan ngayong tagtuyot dahil sa tinatawag na ‘quick-turn-around’ (QTA) sa tulong ng mga samahan ng magsasaka at local government units (LGUs) upang maibsan ang kawalan na umaabot sa kabuuang 700,000 MT dulot ng nagdaang mga bagyong ‘Pedring’ at ‘Quiel’ noong nakaraang Setyembre .

Ngayong taon anang kalihim ay nakapag-export ng kabuuang 860,000 MT ng bigas ang bansa na ikatlong parte ng 2.4 million MT na naangkat noong 2010.

Dagdag pa niya, ngayong taon ay umabot sa kabuuang volume na 600,000 MT ang naiangkat na bigas ng pribadong sektor, 200,000 MT ang sa NFA, at 60,000 MT sa grupo ng mga magsasaka. Tiniyak ng DA na may sapat na buffer stock na bigas ang bansa sa susunod na taon partikular aniya para sa 90 araw sa June 30, 2012, patungo sa tradisyunal na buwan ng kakapusan sa Hulyo hanggang Setyembre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply