54 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Negros

SUGATAN ang 54 pasahero matapos nagsalpukan ang dalawang passenger bus sa bayan ng San Enrique sa Negros Occidental sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente dakong 2:00 ng hapon sa national highway ng Brgy. Sibucao Diutay, San Enrique ng nabangit na lalawigan.

Agad na isinugod  sa  ospital sa La Carlota City ang ilang biktima at ang iba ay dinala naman sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod.

Wala namang nagtamo ng malubhang sugat at pawang nasa maayos ng kondisyon ang mga biktima.

Pawang pag-aari ng Vallacar Transit ang dalawang bus na nagsulpukan at patuloy pang inaaalam kung ano ang sanhi ng aksidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply