550 Palestinian prisoners pinalaya ng Israel

TINATAYANG 550 mga Palestinian prisoners ang pinalaya ng Israel.

Ito ay bunsod ng pangalawang yugto ng kasunduan ng Israel at Hamas na palayain ang higit 1,000 Palestinian prisoners kapalit ng Israeli soldier na si Gilad Shalit.

Base sa report ng Associated Press, dumaan ang mga pinalayang preso sa West Bank na sinalubong ng libu-libong Palestinians.

Samantala, mistulang nagka-piyesta sa Ramallah sa selebrasyon para sa paglaya ng nasabing mga priso.

Matatandaang una nang pinalaya ng Israel ang 450 prisoners noong October 18.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply