6 buwan na kulong sa hindi magpapalikas

ANIM na buwan na pagkakakulong ang magiging parusa ng sinumang tatanggi na mailikas mula sa mapanganib na lugar o daanan ng bagyo at baha o iba pang uri ng kalamidad.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na ihahain ni AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe na nagsusulong na lapatan ng kaukulang parusa ang sinumang tututol na mailikas sa geo-hazard zones o mga delikadong lugar tuwing may bagyo.

Ani Batocabe, ito ay upang tuluyan nang maiwasan ang pagkasawi ng mga kababayan nating nakatira sa mga bahaing lugar o hindi kaya ay mapanganib sa landslides o flashfloods.

Naniniwala si Batocabe na kung lalapatan ng parusa ang tutol sa paglilikas o hindi tutugon sa deklarasyon ng mga LGU na agad lumikas ay malaki ang posibilidad na magkaroon na ng pagkukusa ang mga residente na dapat ilikas.

Mapipilitan din aniya ang mga taong mag-evacuate upang hindi mapatawan ng parusa na pagkakakulong ng mula anim na buwan hanggang anim na taon.

Bukod dito, makatatanggap din ng parehong parusa ang local government officials na hindi magpapatupad ng kagyat na paglilikas sa mga tao tungo sa mga ligtas na lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply