6 dayuhang mangingisda pinagmulta ng $200,000

ANIM na dayuhang mangingisda ang inatasang magmulta ng $200,000 matapos mapatunayang iligal na nagingisda sa Philippine territory.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Central Office, ang mga ito ay tatlong Taiwanese at tatlong Chinese nationals.

Napatunayang lumabag ang anim na dayuhan sa Section 87 ng RA 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998.

Inatasan ang mga dayuhan na magbayad ng nasabing multa matapos na katigan ng BFAR Central Office ang inihaing kasong administratibo matapos maghain ng motion for reconsideration ang mga dayuhan sa ibinabang hatol naman ng BFAR Region II.

Malakas ang mga ebidensiyang isinumite ng BFAR sa kanilang punong tanggapan kung kaya’t kinatigan ang kaso at pinagmulta ang nasabing mga dayuhan na iligal na nangingisda.

Nahuli ang anim ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at BFAR sa Babuyan Claro ng Calayan Group of Islands.

Batay sa testimonya ng team leader ng government patrol vessel na si Bernardo Apigo, iba’t ibang uri ng isda umano ang nahuli mula sa mga crew ng fishing vessel Ching Hong Cherng No. 22 noong Mayo 15, 2009.

Dahil nabigo ang mga dayuhang mangingisda na magpakita ng kaukulang dukomento sa kanilang pangingisda sa karagatang sakop ng lalawigan ng Cagayan ay agad silang  hinuli. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply