6 na bangka nilubog ng alon sa Sarangani

ANIM na bangkang pangisda ang lumubog matapos na salubungin ng malalakas na alon sa karagatan na sakop ng Sarangani province.

Ayon sa ulat ni Coast Guard General Santos Cmdr Melbert Anibersaryo, nauna umanong lumubog ang bangkang FBca Wilfredo sa karagatan ng Sitio Dungon, Barangay Pangyan habang sumunod namang lumubog ang lima pang bangka sa Taliac, Maasim sa nasabing lalawigan.

Tatlo sa mga sakay ng anim na bangka ang nailigtas ng PCG habang patuloy naman ang search and rescue operation sa iba pang mga nawawalang mangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply