6 bahay nasunog sa Sta. Mesa

ANIM na kabahayan ang nasunog malapit sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila kaninang madaling araw.

Ayon kay C/Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Department umabot ng fourth alarm ang naturang sunog at idineklara itong under control alas 6:00 ng umaga.

“Mga anim na bahay ang nasunog. Looban ito, maraming nadamay kasi mahirap i-access ng firefighters ang area,” ayon kay Carta.

Aabot ng P300,000.00 ang halaga ng mga nasunog base sa estimate ni Carta.

Sinasabing electrical short circuit ang naging dahilan ng nasabing sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply