6 patay sa pagkain ng butete

ANIM na katao ang natagpuang patay,  apat dito ay mga lolo’t lola na makaraang kumain umano ng puffer fish o tinatawag na isdang butete sa lalawigan ng Masbate.

Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Pascual Ello, 77, asawa nitong si  Sonia, 70, anak na si  Mahanitoy, 35, Vicente Hanili, 18, Catalino Esplana, 60, at Eden Bello, 65.

Nabatid sa report na isinumite ni P/Sr Supt Heriberto Olitoquit, acting provincial police director ng Masbate, dakong alas-9:00 ng gabi ng matagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay  Bolod, San Pascual sa Burias Island.

Sinasabing ang pagkain ng isdang butete ang naging dahilan ng kamatayan ng mga biktima. Kilala ang puffer fish na isang uri ng isda na nakakalason dahuil sa mga kinakain nito at taglay na toxin sa kanyang katawan subalit marami pa rin ang kumakain nito.

Dainala ang mga bangkay sa San Pascual rural health office para ma awtopsiya makaraang ideklarang namatay ang mga biktima ng dahil lamang sa pagkain ng nasabing isda.

Inaalam din ng mga awtoridad kung saan nagmula ang buteteng kanilang kinain. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply