7 todas sa leptospirosis sa Cagayan

UMAKYAT sa pito ang binawian ng buhay sa 80 bilang ng nadale ng leptospirosis sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kaninang umaga kay Jane Taguinod, provincial epidemiology and surveillance coordinator ng Provincial Health Office (PHO), ang nasabing bilang ay mula buwan ng Enero hanggang Disyembre 2.

Batay sa tala ng PHO, malaking porsyento ang itinaas ng kaso ng leptospirosis ngayong taon kumpara noong 2010 na umabot lamang sa 22 at isa lamang ang namatay.

Sinabi ni Taguinod na nakuha ang sakit mula sa tubig na kontaminado ng ihi at dumi ng daga bunsod ng magkakasunod na naranasang pagbaha sa probinsiya nitong nagdaang mga buwan.

Nangunguna sa listahan ang bayan ng Baggao na may 13 nagka-leptospirosis at dalawa ang namatay, may sampung (10) kaso naman sa Baggao, Aparri, Tuguegarao at Amulung na tig-pitong kaso na may isang binawian ng buhay, Peñablanca na anim at isa ang patay at Lasam na lima ang tinaman ng nasabing sakit.

Dahil dito, mahigpit ang kampanya ng PHO para makaiwas sa sakit ang publiko kung at pinapaalalahanan nila ang mga mamamayan na tiyaking hindi kontaminado ang iniinom na tubig at gumamit ng proteksiyon sa paglusong sa tubig lalo na sa tubig-baha.

Samantala, bumaba naman ang kaso ng dengue sa Cagayan mula Enero hanggang Disyembre 2 ngayong taon na mayroong 1,615 kaso at pito ang namatay kumpara nitong 2010 sa kaparehong panahon na mahigit 3,000 kaso na 20 ang binawian ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply