8-anyos iniligtas ng aso sa baha sa CDO

MULING napatunayan na ang aso ay “man’s best friend ” makaraang naisalba nito ang isang 8-anyos na batang lalaki sa kasagsagan ng malawakang pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga residente sa radio, hindi na nila inaasahang buhay pa ang kanilang apo na si Junjun dahil sa rami ng narekober na bangkay sa Isla de Oro, Brgy. 13.

Ngunit makalipas ang ilang araw na pagkawala ay sumulpot si Junjun kasama ang asong si Tisay sa kanilang lugar.

Base sa pahayag ng biktima, noong tinamaan ng baha ang kanilang bahay, agad niyang nakita si Tisay kaya doon siya kumapit hanggang sa tinangay sila ng baha.

Makalipas umano ang ilang oras na palutang-palutang sa dagat, maswerte namang may nakita sa kanilang isang pulis at dinala sa dalampasigan.

Sa ngayon, si Junjun at ang aso nitong si Tisay ay nasa ligtas na ang kalagayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply