8 container van ng illegal lumber nakumpiska ng BOC

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang walong container van ng illegal lumber sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Customs Commisioner Ruffy Biazon, pitong 20-footer  at isang 40-footer container van ang nasakote ng mga alagad ng BOC na idineklarang mga plastic scrap, fresh banana, cacao beans, yellow corn starch, scrap metal, copra cake, banan chips at scrap cartons.

Ito ay nakapangalan umano sa Plastic World, Ace Commodities Corp., Beans Products Inc., Subway Food Corp., JCA Corp., Eating Station Corp. at J&J Inc.,

Ang nasabing opersyon ay bunga ng nagpapatuloy na kampanya ng BOC laban sa iligal na gawain at upang maprotektahan ang pagkasira sa ng kalikasan sa bansa.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 907 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) and Executive Order No.23 in relation to Presindential Decree No. 705 or Revised Foresty code of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply