8 domestic flights kanselado dahil sa masamang panahon

KINANSELA ngayon ang walong domestic flights dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng Bagyong Sendong.

Base sa talaan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ay ang Cebu Pacific flight 5J-781 at 5J-782 na lilipad sana patungong Ozamis kaninang 6:05 ng umaga.

Kanselado rin ang Cebu Pacific flight 5J-625 at 5J-626 na mula Manila papuntang Dumaguete at ang return flight nito na dapat lilipad kaninang 7:20 ng umaga.

Dalawang biyahe rin ng Zest Air ag kanselado, ang Z2-340 at Z2-341 na mula Manila patungong Cagayan na dapat ay kaninang 3:30 ng madaling-araw ang biyahe.

Kinansela rin ang dalawang biyahe ng Philippine Airlines partikular na ang flights PR-291 at PR-292 na Manila-Dumaguete-Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply