8 menor-de-edad nakapuga sa DSWD

NAKAPUGA ang walong menor-de-edad na nakakulong sa Department of Social Welfare and Development holding center sa Navotas madaling araw ng Pasko.

Nasa edad 13 hanggang 17 na may mga kasong robbery hold-up, drugs at theft ang mga nakapuga sa DSWD holding center na nasa loob ng Navotas Police Station, M. Naval St., Sipac Almacen ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nitong nakalipas na Pasko nang magawang mabuksan ng mga pumuga ang padlock ng detention cell.

Inaalam na kung naging pabaya ang mga nagbabantay sa mga nakapuga at kung may kapabayaan din ang mga naka-duty na mga pulis dahil nagawang makalabas ng mga menor-de-edad sa Navotas Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply