8 sakong endangered shells nasamsam sa GenSan

KASALUKUYANG iniimbestigahan ngayon ng awtoridad ang pinanggalingan ng nakumpiskang mahigit sa walong sakong endangered shells ng PNP Maritime Region 12 sa lungsod ng General Santos.

Nabatid na patay na ang mga kabibe na nasa 300 kilos at nagkakahalaga ng P18,000.

Ang nasabing mga shells ay pinaniniwalaang kinuha sa Balut Island, Davao del Sur at ibebenta sana sa Davao City.

Ayon pa sa report, ini-export ang naturang mga kabibe upang gawing dekorasyon, butones at alahas.

Kasong paglabag sa RA 8550 o Philippine Fisheries Code ang isasampang kaso kung sakali kung nagmamay-ari ng sako-sakong endangered shells.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply