$800,000 dagdag na tulong ibibigay ng US

KARAGDAGANG $800,000 o katumbas ng mahigit sa P34M ang ibibigay ng Amerika para sa mga biktima ng bagyong “Sendong” sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ang ayuda ng Estados Unidos ay bukod pa sa nauna nang ibinigay ng tulong na $100,000 o mahigit na P4M na ipinagkaloob sa pamamagitan ng US Agency for International Developments (USAID) Office of Foreign Disaster Assistance (OFDA) na siyang magbibigay ng agarang emergency relief assistance kasama ang U.S based non-government organization Catholic Relief Services.

Dahil sa lawak ng napinsala at sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namatay at nawawala pa hanggang sa ngayon ay dagsa na rin ang mga bansang nais tumulong sa mga biktima ng nagdaang bagyong “Sendong” kabilang na  ang China, Japan, Russia at karatig bansa sa Asia.

Hindi lamang ang Cagayan de Oro at Iligan City ang nabigyan ng tulong kundi maging ang Visayas at Northern Minadanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply