8,270 housing application naproseso na – Gen. Oban

PERSONAL na pagpapasalamat ang inihayag ni out-going Gen. Eduardo Oban kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa mga tulong na naibigay nito sa mga kawani ng Armed Forces of the Philippines.

Sa ngayon umano ay umabot na sa 8,270 na housing application ng mga kasundaluhan ang naipoproseso ng National Housing Authority para sa pagkakaroon ng sari-sariling bahay.

Ayon kay Gen. Oban, isa pa pinakakahangad ng isang sundalo ang magkaroon ng sariling bahay at ito ay unti-unting natutupad dahil sa ibinibigay na tulong ng ehekutibo sa Hukbong Sandatahan.

Ipinagpasalamat din ng dating Chief of Staff ang ibinigay na P18 bilyon na pondo ni PNoy para sa AFP modernization program sa loob lamang ng 18 buwang pamamahala.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply