9 barangay lubog sa baha sa Negros O.

LUBOG sa baha ang may siyam na barangay sa E.B Magalona Negros Occidental bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Nabatid na aabot sa 5,000 residente ang naapektuhan ng matinding pagbaha kung saan inilikas ang mga ito sa mas mataas na lugar, na kinailangang pang gamitan ng bangka dahil sa pag-apaw ng Tabigue River.

Inabot din ng baha ang ilang bahagi ng national highway kaya tumirik ang ilang sasakyan habang nasalanta na rin pati ang mga pananim sa naturang lalawigan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply