9 na tulak ng shabu timbog sa PDEA

DALAWANG tulak ng shabu na nasa order of battle ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pitong iba pa ang nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operations na ikinasa ng ahensya.

Kinilala ni PDEA Director General Usec. Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga target-listed na sina Fidel Castro, 38, isang matadero ng Sitio Toning II, Barangay Lagao, General Santos City at kasama nitong si Danilo Tobis, 50, umano’y miyembro ng BangsaMoro Republic Moro National Liberation Front (MNLF) na kapwa nahuling nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer.

Nadakip naman sa Gensan noong Nobyembre 29, 2011 si Abdul Alimudin, 58, ng Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato.

Kasunod nito, nadakip din ang iba pang suspek na kinilalang sina Junjun Gumangan, 38; Maximo Madamba, 57 at Juanito Palangaya, 68, matapos silang mahulihan ng 20 bricks ng marijuana at buy bust money sa operasyon ng PDEA RO12 sa Sitio Kavuluan, Liwan Sur, Enrile, Cagayan.

Samantala, nahuli naman ng mga operatiba ng PDEA sa Ilocos Norte, sa tulong ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at Banna Police, sa kasunod na buy-bust operation sa Brgy. Tabtabagan, Banna, Ilocos Norte sina Mark Anthony Domingo, 24, delivery boy sa aktong nagbebenta ng shabu sa halagang P1,000 sa isang PDEA agent.

Kinabukasan nahulihan ng tatlong sachet ng shabu ng PDEA RO2 sa isang entrapment operation sa Brgy. Ugad, Tumauini, Isabela sina Jorge Carniyan, Jr., 31, magasaka at kasama nitong si Jayson Canceran, 31, istambay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply