A bronze medal for KC dahil natanso siya

WITH KC Concepcion’s implied reason for her breakup with Piolo Pascual on The Buzz, kulang na lang ay mismong ipaamin na sa aktor kung totoo nga bang bakla siya?

Said in a roundabout fashion, hindi pa rin kasi tinumbok ni KC ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. All that she revealed ay ang kakulangan daw ng aktor upang tugunan ang kanyang mga pangangailangan bilang nobya nito.

Malice set aside, ayaw naming isipin na may sexual undertones ang tinurang ‘yon ni KC. Pero posible ring hindi niya naramdaman ang kanyang pagiging isang ganap na babae everytime she and Piolo were together.

Still, KC’s intriguing revelation was an indirect assertion na bakla nga si Piolo. The fact that her answers were safe to a sensitive issue, although there was hardly any mention of Piolo’s sexual preferences, mababaw na lang ang pick-up ng sinumang televiewer na hindi nasakyan ang pahayag niyang ‘yon.

But of course, assuming na ang kabaklaan nga ni Piolo was the straw that broke the camel’s back, ‘ika nga, napakalupit naman ni KC para siraan ang dating nobyo. Not only would it make KC a bad girl, in the eyes of the gay community ay lalabas pa siyang katawa-tawa dahil nawalan siya ng pang-amoy para malanghap na isa rin palang Eba ang kanyang pinatulan!

So, here’s the Bronze Medal for KC dahil natanso siya!

XXXX

I VAGUELY remember which month this year, pero panauhin ni Boy Abunda sa kanyang “The Bottomline” ang kanyang alagang si Ai Ai delas Alas, kung saan isa sa mga naimbitahang bottomliners (not necessarily pa-bottom, Kuya Pete, if you know what I mean) ang inyong lingkod.

Despite Kuya Boy’s familiarity with his subject, parang du’n lang din natuklasan ng batikang TV host ang ilang unknown truths about the multi-awarded comedienne (Ai Ai bagged two awards in the recently concluded Star Awards for TV).
That time, Ai Ai enrolled herself at the University of the Philippines for a crash course in public governance bilang paghahanda sa kanyang next career direction geared towards local politics.

Sa pagka-alkalde in her native Calatagan (in Batangas) ang target ng hitad, but only to change her mind at her recent  “tuhog” event for the press, tuhog in the sense na parang 3-in-1 coffee lang ‘yon that covered her post-birthday celebration (November 11), ang pagkakapanalo niya sa Star Awards at pamaskong handog na rin niya all rolled into one.

This time though, ibang political tune na ang inaawit ni Ai Ai, as she’s gunning for a congressional seat come 2016.

Time and again, laging sinasabi ni Ai Ai na gusto niyang sumunod sa mga yapak ng kanyang idolong si Vilma Santos (oy, Aileen, huwag mo namang kinakanya dahil idol natin si Ate Vi pareho!), na mula sa showbiz kung saan napanagumpayan niya ang larangang ito ay lumundag sa pulitika to become a leader to reckon with, at sa buong lalawigan pa ng Batangas.

Ala, eh, ito nga ang direksiyong nais tahakin ng tagahanga ni Ate/Governor Vi as part of Ai Ai’s long-term plan to stay on top of the game. A seat in Congress, why not? Sa panlabas lang naman natin nakikita ang clownish personality ni Ai Ai, but underneath the veneer of a comic face lies a serious, impassioned and dedicated person to whatever she does.

But first things first as of the moment, gusto lang tiyakin ni Ai Ai na sa pinagsanib na puwersa nila ni Vic Sotto via their MMFF entry na “Enteng Ng Ina Mo”, this will most likely be a repeat of their unprecedented box office success.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply