Abadilla 5, posible sa commutation of sentence

INIREKOMENDA ng Board of Pardons and Parole (BPP) kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang commutation of sentence para sa limang akusado sa pagpatay kay dating Metrocom Chief Rolando Abadilla.

Nais ng board na mabigyan ang mga ito ng 16 taong commutation.

Ang rekomendasyon ay resulta ng pagpupulong ng BPP at New Bilibid Prisons (NBP) noong Setyembre 28, 2011.

Ani Chief Public Attorney Persida Rueda Acosta, sa rekomendasyon ng Pardons and Parole, mapapababa ng 16 na taon ang sentensya mula sa 30 taong parusang pagkabilanggo ng mga akusado.

Si Abadilla ay napatay noong 1996.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply