Abalos boluntaryong sumuko sa Pasay RTC

BOLUNTARYONG sumuko sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) si dating Commelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa warrant of arrest sa kasong electoral sabotage.

Si Abalos ay dumating sa korte bago mag-alas-dose ng tangahali kasama ang kanyang anak na si Benjur Abalos at ilang staff ang umagapay sa kanya para iharap ang sarili kay Pasay City RTC branch 112 Judge Jesus Mupas.

Ayon kay Abalos nakahanda siyang harapin ang isinampang kaso dahil alam niyang wala siyang dapat ikabahala at naniniwala na wala siyang pagkakasala.

Sa warrant of arrest nakasaad na may probale cause para sampahan ng kasong 2-counts of electoral sabotage si Abalos.

Nakatakdang ipiit si Abalos sa Southern Police District detention cell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply