Abalos boluntaryong susuko

AGAD na tiniyak ni dating Commission on Elections (Comelec) na boluntaryo siyang susuko kung saan patungo na siya sa korte.

Kasama ni Abalos ang kanyang anak na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at abogado.

Una nang iniulat na ipinag-utos na ng Pasay City Regional Trial Court ang pag-aresto kay Abalos na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Filda Domingo, legal researcher ng Pasay-RTC Branch 112, ibinasura umano ni Presiding Judge Jesus Mupas ang naunang motion to determine probable cause ni Abalos.

“Mayroon na hong resolusyon ang mosyon nila at iyon po ay ibinasura ng korte. So, nag-isyu na ng warrant of arrest si Judge Mupas,” ayon sa opisyal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply